LOVE CONFESSION CHAPTER 61 WALANG bahid ang paglaglag ng mga luha ni Celine habang mabibilis ang mga hakbang nitong papalayo sa restaurant. Hindi nito inalintana ang mga taong nakakasalubong niya na nag- aalalang nakatingin sa kanya. Masakit para sa kanya na ipamukhang hindi sila bagay ni Xander bilang magkarelasyon. Pero mas masakit makitang may kasamang iba ang lalaking mahal mo at ni hindi man lang kayo nakapag- usap. Tila naniniwala na si Celine sa kasabihang nakakapaso ang minadaling relasyon, hindi ito niluto nang husto. Busina ng sasakyan ang umuntag sa nagluluksang damdamin ni Celine. Kung kaya't napalingon si Celine kung kaninong sasakyan iyon. Akala niya ay sina Dana at Shaina iyon subalit nagkamali siya. Si Xander ang lulan ng kotse at madilim ang anyo nito. Imbes na tumigil