LOVE CONFESSION CHAPTER 46 SIMPLE lang ang suot ni Celine pero eleganteng tingnan. Nakasuot siya ng casual yellow dress na hanggang tuhod. Hanggang siko ang manggas nito at V- neck ang harapan. Walang slit sa magkaibilaan niyang binti. After all hindi siya makikipagkumpetensiya sa mga kakabaihang naroon. Kuntento na siya kay Xander tapos na ang soul searching niya. Nakahanap na siya ng lalaking kanyang- kanya, sana lang. Ngiting- ngiti naman si Fredie na sumundo at naghatid sa kanya. Puring- puri siya nito na labis namang pinasalamatan ni Celine. Natawa pa siya nang biglang tumawag si Xander at sabihin kay Fredie na paki- picture siya kung ano ang suot niya. Kahit si Fredie ay natawa pero sinunod naman nito ang bilin ng kanyang boss. Nang makarating na sila sa kasalan ay agad siyang si