LOVE CONFESSION CHAPTER 41 HALOS kalahating oras na si Celine sa loob ng comfort room. Ni hindi kayang humakbang ang kanyang mga paa. Pakiwari niya ay biglang kumapal ang kanyang mukha. Napaigtad pa ito nang may biglang kumatok. "Madam! Hindi ka naman nalunod sa inidoro ano ho? Baka naman pi puwedeng lumabas na kayo dahil marami po kayong susuklian!" boses ni Vicky. "L- lalabas na! Nahilo lang ako kaya ako nagtagal!" nautal niyang sagot. Hindi umimik si Vicky bagkus ay narinig ni Celine ang mga yabag nito papalayo. Dahan- dahan naman si Celine na binuksan ang pintuan at sumilip- silip muna ito bago lumabas. Hindi siya tumitingin kina Olivia nang makabalik na siya sa kanyang mesa. Pumormal si Celine upang hindi na siya kulitin ng tatlo. Nakahinga siya nang maluwag dahil mukhang epektib