LOVE CONFESSION CHAPTER 50 SINUNDO pa rin ni Xander si Celine kinagabihan sa bahay ng dalaga. Seductive blue casual wear ang suot ng dalaga na may konting slit sa kanang binti nito. V- neck din iyon sa harapan at likod nito. Light lang na make- up ang nilagay ni Celine sa kanyang mukha at baka pagkamalan siyang manika dahil sa makapal na make- up. Hindi naman maitago ni Xander ang paghanga niya sa dalaga, napapalatak ito na napapailing. Ngumiti naman si Celine sabay ikot sa harapan ng binata at nag- post pa ito. Kapwa sila natawa hanggang sa kumapit na si Celine sa matipunong bisig ng binata. "Maganda na ba ako?" magiliw na tanong ni Celine nang papalabas na sila sa pintuan. Napahinto sila sa paglalakad at muling sinipat ni Xander ang kabuuan ng dalaga. "What can I say? I'm speechless