LOVE CONFESSION CHAPTER 13 NAGISING si Celine sa kalam ng kanyang sikmura. Wala pala siyang kinain kahit na ano bago sila pumunta ng Baguio. Napatingin siya sa relong nasa kanyang bisig, alas sais na pala ng gabi. Napatagal pala siya ng tulog. Marahan siyang bumangon at iginalaw- galaw niya ang kanyang ulo at leeg. Nag- inat siya saka napahikab. Tinungo niya ang banyo sa kanilang kwarto at saka naghilamos sabay sepilyo ng kanyang ngipin. Nakakasigurado siyang medyo madilim na sa labas. At nakakatiyak din siyang aliw na aliw na sina Dana roon. Napakibit- balikat si Celine. Basta siya bukas siya magliliwaliw kakain at matutulog siya ulit mamaya. Oo nga pala! Balak niya pa lang maglakad- lakad sa tabi ng dagat bago siya matutulog ulit. Sobrang na- miss niya ang hanging dagat. Nagsuot si Ce