Pagkatapat namin sa pinto ay may maliit na pulang ilaw ang nagpalipat-lipat sa amin. Mas lalong bumibilis ang kaba ko habang pinagmamasdan ang pulang ilaw. Kung laser siguro ito kanina pa ako nasugatan. Sobrang hi-tech ng security devices nila. Tiyak kong mahihirapan akong makakuha ng ebidensya. f**k! Mas mahirap pa ito sa inaakala ko.
"Lia?"
Natigil ako sa pag-iisip at nilingon si Sir Yuki. "Yes po, Sir?"
"Come in," sagot niya saka humakbang papasok sa glass door na nakabukas.
Dahil sa pag-iisip ay di ko na namalayan na bumukas na ang pinto. Bahagya akong tumango saka sumunod kay Sir Yuki na naunang pumasok. Pagpasok ko ay napalibot agad ang tingin ko sa kabuuan nitong opisina.
Isang working desk na ang tanging nakalapag ay isang ballpen. May malaking flat screen TV malapit sa working desk.
Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto, habang si Sir Yuki ay lumapit sa lalaking nakaupo sa swivel chair nito. Nakatalikod pa ito sa amin at may kausap sa cellphone nito. Habang may kausap ay hawak naman nito ang mukang remote.
Napatingin ako sa remote na hawak ng lalaki. Tinapat nito sa akin at ilang sandali pa ay awtomatikong nagsara ang pinto. Kinabahan ako ng bahagya akala ko kasi may tatama na sa akin. 'Yon pala de remote ang glass door ng opisina nito.
"Yes, Boss," ika nito habang may kausap sa cellphone.
Tahimik lang akong nakikinig habang si Sir Yuki ay panay ang tingin sa kanyang wrist watch.
"I call you again once I found that woman," wika ulit nito sa kausap.
Humupa na sana ang kaba ko pero nang marinig ko ang sinabi ng lalaki ay muli na naman akong kinabahan. Sino kaya 'yon? May papatayin kaya sila?
"Bye," paalam nito sa kausap at binaba na nito ang cellphone. Pagkatapos ay humarap siya sa amin. Hindi niya kami binalingan ng tingin sa halip ay nilapag niya muna ang cellphone sa mesa at ang remote na hawak.
Napagmasdan ko kahit sandali ang kabuuan ng kanyang mukha. Makapal ang kanyang kilay. Mataas ang kanyang ilong, may kaunting bangs siya na tumatama sa kanyang pilik mata.
"Lia, this is Gideon," pakilala ni Sir Yuku
"Nice meeting you, Sir Gideon," ika ko at bahagyang niyuko ang aking ulo.
"Nice meeting you, Lia. Welcome to the company," sagot naman nito. Tumayo ito saka lumapit sa akin. Nilahad nito ang kamay upang makipag shake hands.
Kaagad ko iyong inabot at nakipag-shakehands sa kanya. Bigla namang sumipol si Sir Yuki at nagsalita. "You're too formal Gid," sarkastikong wika nito at umiling ito ng ilang beses na may kasamang ngisi.
"Yuki, this is business. Much better for you to quiet," saway naman ni Sir Gideon.
Napatingin na lang ako sa kanilang dalawa.
"Anyway, may sasabihin ka pa ba kay Miss Dahlia? Kung wala na dadalhin ko na siya sa opisina niya," wika ni Sir Yuki.
"Wala na," tipid na sagot ni Sir Gideon.
Tahimik lang akong nakamasid sa kanila. Palihim at pasimple kong pinagmamasdan ang loob nitong opisina. Katulad ng opisina ni Sir Yuki ay may mga cctv din sa taas. Kung bibilangin ang bawat sulok ng kwartong ito ay may limang CCTV o baka mahigit pa dahil sobrang liit ng mga ito at hindi mahahalatang CCTV. Mabuti na lang at sanay na ako tumingin ng mga devices katulad nito.
"You can go now to your office," baling naman nito sa akin. Walang ekspresyon ang kanyang mukha, seryoso na parang wala siyang pakialam.
Tipid akong ngumiti at tumango. "Okay po."
"Let's go Miss Dahlia," ika ni Sir Yuki at naunang lumapit sa pinto. Pagkatapos ay lumingon naman siya kay Sir Gideon. "I have an appointment don't disturb me this afternoon."
Kinuha ni Sir Gideon ang remote na nasa mesa at pinindot sa tapat ng pinto. Pagbukas ng pinto ay nagsalita naman si Sir Gideon. "Better to find that someone, alam mong iba 'yon magalit."
Napatingin ako kay Sir Yuki. Ngumisi siya at ilang sandali ay sumulyap sa akin. Iba yung tingin niya parang may ibig sabihin.
Lihim akong napalunok ng laway. May kaba naman akong naramdaman, hindi ko naman alam kung anong pinag-uusapan nila pero bakit ako tinatamaan? Peste!
"Tsk, Gid, relax." Bahagyang tumawa si Sir Yuki. "May tamang oras para pag-usapan yan," at sumulyap ulit siya sa akin.
Napayuko agad ako. Pretending na wala akong narinig sa usapan nilang dalawa.
"Follow me Miss Dahlia. Ihahatid na kita sa opisina mo," saka lumabas si Sir Yuki sa pinto.
Bahagya akong yumuko kay Sir Gideon at tipid na ngumiti. Tinignan niya lang ako, palagay ko siya yung tipo ng taong napaka seryoso at di marunong ngumiti.
"Nice meeting you Sir," wika ko at lumabas na ng pinto. Nagmadali akong naglakad dahil nasa tapat na ng elevator si Sir Yuki.
Paika ika pa akong lumalakad dahil sa sandals kong suot. Nakangising tinignan ako ni Sir Yuki. Mula sa sandals ko pataas sa suot kong slocks at blouse hanggang sa tumingin siya sa akin.
"Conservative?" Aniyang di ko mawari kung patanong o insulto.
Iirapan ko sana pero agad kong pinigil ang sarili ko. Tipid na lang akong ngumiti at tinuon ang aking tingin sa elevator. Ilang sandali pa ay bumukas na ito.
Pagpasok namin ay pinindot na niya ang buton pataas. Kung hindi ako nagkakamali ay sampung palapag mula sa pinakataas nitong building ang opisina ng aking magiging boss.
Mabilis pagtaas ng elevator, halos isang minuto lang yata ang tinagal namin sa loob. Bumukas na rin pinto at paglabas namin ay bumungad sa akin ang kulay puting pader, halos lahat puti.
Di ko tuloy naiwasan na ilibot ang tingin ko sa paligid habang naglalakad.
"Gusto ni Boss all white itong opisina ng secretary niya. Ayaw niya kasi ng magulo at makalat. Lalo na ayaw niya ng madumi." ika ni Sir Yuki.
"Ganun po ba?"
Nasan kaya ang CCTV rito? dugtong ko sa isip.
Tumapat kami sa pinto na kulay puti rin. Ang kulay lang ng doorknob.
ang nagkaiba. May biometrics naman sa pader na katabi ng pinto. Tumapat doon si Sir Yuki at sandali pa ay tumunog ang doorknob.
"Face detection ang pinto na 'to."
Patango pa lang ako nang bigla niya akong hawakan sa braso. Mabilis kong hinawi ang kanyang kamay dahilan para kumunot ang kanyang noo.
Nasanay na akong umiwas sa mga pag-atake. Di ko naman sinasadya pero kusang umiiwas ang mga katawan ko.
"Sir, sorry po. Kala ko po kasi--" naputol ako sa pagsasalita ng bigla siyang tumawa.
"Miss Dahila, ilalapit lang kita rito sa Biometrics."
"Sir, sorry--"
Hinawakan niya ulit ako sa braso at tinapat sa biometrics. Akala ko 'yon lang ang gagawin niya pero hindi pa pala. Pasimple akong napalunok nang hinawakan niya ako sa magkabilang braso at nagsalita.
"Relaks," aniya.
Tumango ako. Tumingin ako sa biometrics at ilang sandali pa ay tumunog ito.
"New Face Detected Successfully," ika ng boses na nasa biometrics. Pagkatapos ay may pinindot si Sir Yuki.
Tumunog ulit yung doorknob na parang sumara. Aalis na sana ako sa pwesto ko ay bigla na naman niya akong hinawakan sa balikat dahilan para huminto ako.
"Hep, let's try it again."
Anak ng! muntik ko pang maiboses.
Huminga na lang ako ng malalim habang nasa tapat ng biometrics. Ilang sandali pa ay tumunog na ito senyales na naka-register na ako. Bumukas na rin ang pinto kaya pumasok na kami sa loob.
May mesa at swivel chair. May computer, laptop at telepono. Bukod dito ay may fridge din sa loob at water dispenser. May mahabang sofa rin at may mini pantry din malapit sa kitchen sink. Parang bahay kung titignan dahil nandito na ang lahat.
"Do you like your office?" tanong ni Sir Yuki.
"Ang ganda po. May kasama po ba ako rito?" Nilibot ko ang tingin sa paligid, tiyak kong may CCTV din dito. May nakita sa itaas malapit sa ceiling light. Meron din sa sulok na nasa itaas ng kitchen sink. Lumapit ako sa mesa at nilapag ang aking shoulder bag.
"Ikaw lang ang dapat na mag-opisina dito," ika niya at lumakad. "Pero kung gusto mong may kasama mabilis naman akong kausap," dugtong niya ulit na halos bumulong malapit sa tenga ko.
Biglang nagsitayuan ang buhok ko sa batok at di sinasadyang nasiko ko siya. Napaatras siya at hinawakan ang kanyang tiyan.
"Sorry po sir. Sorry po, sorry po," paulit-ulit kong sabi.
Ngumiwi siya pero binawi niya rin kaagad. "Your so aggressive Miss Dahlia."
"Sorry po, Sir. Di ko po sinasadya," paumanhin kong sabi at paulit ulit na niyuko ang aking ulo.
"Anyway, I need to go. And that box," tinuro niya ang box na nasa sahig. "Mga documents ang laman niyan. You need to review all the documents bago mo ibigay kay Boss. Okay?"
"Opo, Sir."
"Bye," aniya saka lumapit sa pinto. Bago niya buksan ay nilingon niya ulit ako. "If you need something call Ms. Janice."
"Okay po." Sinundan ko na lang siya ng tingin palabas ng pinto.