~(GABERIELLE SAAVEDRA POV) Bineso ni Sierra ang mga friends niya nang makarating kami sa loob ng bar. May tatlong lalaki at apat na babae kasama na si Kara. I was quite surprised nang bigyan ako ng ngiti nito. Akala ko ay hindi niya ako papansinin. "So guys, this is my cousin, Gabe, Gaberielle. I guess you guys already know him." Nginitian ko lang nang bahagya ang mga kaibigan niya at bahagya kong tinaas ang isang kamay ko para magsilbing 'Hi' sa kanila. "Take a seat, couz." Umupo ako sa couch katabi ng isang babae dahil doon lang ang vacant seat sa couch, pero kauupo ko pa lang ay umalis na ito at lumipat sa tabi ni Sierra dahilan iyon para magkatabi kami ni Kara. I looked at Sierra but she just looked at me like I had to stay a little bit longer. Psh. Hindi ako komportable sa atmo