~(CHANTAL LANE SY POV)
"Ma'am may bisita po kayo."
Nag-angat ako ng tingin kay Lyn na pumasok sa opisna ko. May dala itong mga bouquet ng bulaklak na dinala niya sa ibabaw ng mesa ko. Hindi na ako nakapagtanong pa nang may makita akong isang makisinig na lilalang sa likuran nito.
Bahagyang namilog ang mga mata ko. Anong ginagawa niya rito?
"Hi, Good afternoon," bati nito sa akin.nHe was hiding a bouquet of tulips in his hand na kulay sky blue. Usually iyon ang binibigay niya sa akin noon dahil alam niyang iyon ang favorite flower at favorite color ko.
Wala sa loob na inayos ko ang posture ko.
"Labas na po ako." Malawak ang ngiting saad ni Lyn pagkatapos ay binigyan niya ako ng malisyosang ngiti bago tuluyang lumabas ng opisina ko.
"Naistorbo ba kita?" tanong ni Ram habang palapit sa akin.
I was obviously doing something when he came in. I just didn't want to tell him na nakaistorbo nga siya. Well at least, I did not want to sound offending.
"What brought you here?" casual na tanong ko.
Ayoko namang magmukhang surprised sa pagdating niya tho na-surprise naman talaga ako. After long years, ngayon lang ako nito binisita.
Pakiramdam ko ay nanlalamig ang kamay ko sa presence niya. I simply cleared my throat dahil pakiramdam ko ay may nakabara doon lalo na nang ibaba niya ang bouquet sa table at umupo siya sa isang silya sa harap ng mesa ko.
"Bawal ka na bang bisitahin?" Nakataas ang makakapal na kilay na tanong nito.
"Hindi naman, it just... unsual na bumisita ka rito. Pwede ka namang tumawag kay Lyn or maghintay sa lobby."
"I just thought na baka hindi ka pumayag na makipag-usap sa akin If I would contact you through a phone call."
Binigyan ko ito ng sarkastikang ngiti. "Bakit naman hindi?"
He shrugged. Nagkatitigan kaming dalawa. His dark grey eyes was still a perfection. Gwapo pa rin talaga ito.
Narinig kong tumunog ang phone ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin kay Ram at tiningnan kung sino ang nag message.
Si Gabe.
[You're welcome.]
Anong pinagsasabi ng bruho? Sa dami yata nitong ka-text ay naro-wrong send na.
"Ang dami mo yatang manliligaw? Umuulan ng bulaklak," said Ram.
"Sa una lang 'yang mga 'yan," saad ko at ibabalik ko na sana ang tingin ko sa kanya kaya lang ay muling nag-message si Gabe.
[Lomi o lugaw? At 5? G?]
I found myself smiling. Magaling na kaya siya? Tatlong araw ko rin itong hindi nakita.
[both] I replied.
"I have business matter to tell you, kung okay lang sana let's talk about it outside," muling saad ni Ram.
Sumulyap ako sa digital clock. 3:45 pm. Hindi naman siguro kami aabutin ng isang oras sa mga sasabihin nito.
"Uhmm..."
"It won't take long."
"Fine."
Nagtungo kami sa isang restaurant malapit sa building. I ordered vegetable salad and he ordered his favorite steak.
"So how are you?" he asked.
"Doing good."
"Kumusta kayo nu'ng boyfriend mo?"
Kumunot ang noo ko. "Boyfriend?"
Kumunot din ang noo nito. "Sabi sa akin ni Sierra boyfriend mo iyong pinsan niya. Gaberielle, right?"
Napainom ako ng tubig. Pakiramdam ko ay bumara ang pagkain sa lalamunan ko. I cleared my throat before saying anything.
"No. He's my... friend." Halos hindi iyon lumabas sa bibig ko.
"Oh, I see. I thought you stepped down your standards." He said and took a sip of his drink.
Akala ko business matter?
Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. I didn't feel offended pero hindi ko alam kung bakit parang dapat akong mainis para kay Gabe.
"Don't get me wrong. Nakita ko na siya ng ilang beses and I guess hindi lang gano'n ang tipo mong lalaki. I mean... reckless, careless, womanizer, you know."
Muli akong uminom ng tubig at bahagyang inilayo ang pinggan sa harap ko.
"So, what is this business matter you're going to tell me?" pag-iiba ko acting like I didn't hear him at all.
He leaned forward at pinagsalop ang mga daliri niya sa ibabaw ng table.
"I have new designs for my clothing line, and it will be huge. May contract na ako sa mga sikat na models and celebrities. Naisip ko lang na you can design shoes for them. For publicity na rin ng brand mo."
Bahagya akong tumango. "When will it happen?"
"3 Months from now."
"Ilang pairs of shoes ang kailangan mo?"
"Hundreds of exclusive and unique designs."
I stared at him for awhile. "I don't think I can do that. Masyadong short ang 3 months for me to design and prepare."
"Come on, name the amount."
"It's not about the money, Ram. Alam mo naman na nakakagawa lang ako ng maayos na design depending on my mood."
Bumuntong hininga ito. "I know... I'm just trying to help. Naisip ko lang na malaking break ito para sa brand mo."
"You should have told me earlier para napaghandaan ko. Anyway, I'll carefully think of it. Just don't wait long, wala akong maipapangako sa'yo."
Saglit kaming natahimik before he broke the silence.
"I can adjust the event. Maybe next year?"
Kumunot na naman ang noo ko.
"Why would you do that? I'll be a so much burden to you. Hindi mo naman kailangang mag-adjust and for sure your clothing line can make it kahit hindi ako ang designer ng shoes na isusuot ng mga models mo."
"But I cannot find anyone better than you."
Natahimik ako.
Hindi ko alam kung bakit may kirot sa dibdib ko tho I kew it was not about what I thought.
"Thank you, I am flattered," saad ko na lang. "Like what I've said, pag-iisipan ko."
I really appreciate his effort na tulungan ako. Inabutan niya ako ng card.
"Just call me if you have made up your mind."
~(GABERIELLE SAAVEDRA POV)
6:00 pm na hindi pa rin lumalabas si Chan. Ilang beses na akong tumingin sa wrist watch ko. She wqs not answering my texts. Ayoko naman itong kulitin dahil baka busy pa ito sa opisina.
Lumapit ako kay manong guard. Si Manong Panoy.
"Manong, lumabas na ba 'yung... masungit mong boss?"
"Huh? Si Ms. Lane po?"
"Oo. Nag-iisa wala ng iba."
Bahagya itong tumawa. "Ay opo, kanina pa po. May meeting po yata."
Bakit hindi nito sinabi sa akin?
"Oh, Mr. Saavedra..." boses ng isang babae. Napatingin ako sa entrance. Lumapit ito sa akin. "Ano pong ginagawa niyo rito?"
Hindi na ako nakasagot pa dahil tinanong ito ni manong Panoy.
"Ms. Lyn ano na nga 'yung pangalan ng lalaking kasama ni Ms. Lane?"
"Ah, si Mr. Ram Enriquez po, bakit?"
Bumaling sa akin si manong Panoy. "Ayon, sir, 'yun po 'yung lalaking kasama ni Ms. Lane."
Pakiramdam ko ay nag-init ang tainga ko sa narinig. Kaya pala hindi nito sinasagot ang mga messages ko. Kasama niya pala iyong ex niya. Hindi na lang sana siya pumayag na makipag kita sa akin.
"Sir, okay lang po kayo?"
Lumingon ako kay manong.
"Salamat." Pinilit kong ngitian silang dalawa ni Lyn.
"Ingat kayo sa pag-uwi, sir." Nakangiting sabi ni Lyn.
Naglakad ako patungo sa tower ko. My day was just ruined. Lalo pang nasira ang araw ko nang mapadaan ako sa isang restaurant at natanawan ko si Chan at si Ram.
Napatingin ako sa kamay nilang magkahawak.
Pakiramdam ko ay nagsisilab ang mukha ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tumayo na sila at mukhang palabas na rin sila ng restaurant.
Ramdam ko ang pagsalubong ng kilay ko. Gusto kong pigilan ang inis ko but I could not control it.
Nakita kong pinagbuksan siya ni Ram ng pinto. Napansin ko naman na may kinukuha siya sa bag niya.
~(CHANTAL LANE SY POV)
Hinahanap ko ang phone sa loob ng bag ko to message Gabe nang magsalita si Ram.
"Gusto mo ihatid na kita? Malapit lang tower mo dito hindi ba?"
"Hindi na, I can manage." Sagot ko habang nakatingin sa screen ng phone ko.
"Are you sure?"
Lumingon ako sa kanya at ngumiti ako sa kanya ng bahagya, "Yeah."
"Okay. See you next time."
Tumango lang ako. Nang makaalis siya sa harap ko ay agad akong nag type ng message kay Gabe. Medyo tumagal pa ang conversation namin ni Ram dahil he discussed some other things related sa offer niya. I would probably need him, marami siyang connections and I must say na veteran na talaga siya pagdating sa business. Naging interesado rin ako sa clothing line dahil may plano rin akong pasukin iyon.
[Where are you?]
Hindi ito nag-reply. 5 minutes na ang lumipas ay wala pa rin akong nagtatanggap na mensahe. Kinagat ko ang ibabang labi ko sabay sulyap sa oras. 6:15. Umuwi na kaya siya?
Bumuntong hininga ako and pressed the call button.
Akala ko ay hindi na niya sasagutin ang tawag ko sa sobrang tagal no'ng nagri-ring.
"Uhm... Sa'n ka?" I asked.
Hindi siya sumagot agad. Pakiramdam ko tuloy ay nagalit ito sa tagal kong mag-reply back.
"Tapat mo."
Agad akong napatingin sa tapat ko. Nasa kabilang side siya ng road. Bahagyang namilog ang mga mata ko. Kabute talaga ito.
Tumawid ako sa pedestrian lane para puntahan siya. Na-guilty agad ako nang mapansin kong hindi maganda ang mood nito.
"Sorry... nag... usap kasi kami ni Ram about business."
"It's okay," he said coldly at nagsimula kaming maglakad.
Okay, pero hindi mukhang okay? Ako mag-decide gano'n? Hindi na lang ako kumibo. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.
Minsan ay tinitingnan ko siya sa gilid ng mata ko. Hindi ako sanay ng tahimik kaming dalawa.
"Let's just go home, busog kana yata." he said.
Lumingon ako sa kanya. "Huh? Hindi. Gutom ako," agad na saad ko.
Hindi ito sumagot.
Nakarating na kami sa lomihan at gotohan na sinasabi niya. Nakuha na namin lahat ang order namin ay hindi pa rin ako kinikuho nito. Obvious naman na mainit ang ulo niya.
Kumuha ako ng sabaw sa lomi niya at dinala ang kutsara sa bibig ko. Halos hindi naman niya kasi iyon ginagalaw.
"Madalas ka dito?" I asked.
He shook his head, "Last week lang."
Tumango ako. "In fairness, masarap goto nila. Gusto mong tikman?"
Umiling lang ito. I was trying to make a conversation pero mukhang hindi niya ako gustong kausap. Pinaglalaruan niya lang din ang lomi niya at hindi ko alam kung bakit naiinis na ako.
"Maybe we should just go home, mukhang ikaw ang busog." I said coldly.
"Tapusin mo muna 'yan." Tukoy niya sa goto ko na nakalahati ko namang kainin.
"Wala na akong gana." I said and leaned back.
Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya. He also leaned back at tumingin sa ibang direksyon.
"Galit ka sa akin?" I asked coldly.
"No." He answered still not looking at me.
"Oh, eh, bakit parang ayaw mo akong kausapin?"
"I'm just tired at work." He answered sabay baling sa lomi niya.
"You should have cancelled." Mahinang sabi ko. Hindi ko maiwasang mag maldita.
"You should have cancelled as well." Mahinang saad nito.
Tumaas ang isang kilay ko, "Oh, eh, 'di galit ka nga sa akin. Bakit hindi mo na lang sabihin?"
"I didn't say na galit ako. Bakit naman ako magagalit?"
"I don't know. Ikaw yang mas moody pa sa babae."
"Don't mind me."
After 20 minutes. Dineadma na naman niya ako. Padabog kong binagsak ang kutsara sa mesa, napatingin siya sa akin.
"Ay, dun tayo sa kabila, warla yata ang magjowa." Saad noong baklang uupo sana sa tabi namin.
I glared at him. "Uuwi nalang ako."
Tumayo ako at kinuha ang bag ko sabay sibat.
Mayamaya lang ay narinig ko ang boses nito sa likuran ko.
"Chan." Malumanay na tawag niya sa akin. Nag panggap akong hindi siya naririnig.
Nagpatuloy ako sa paglalakad until he grabbed my arm. Napaharap ako sa kanya.
"You're walking too fast."
Binawi ko ang braso ko sa kanya. "Gusto ko ng umuwi, that's why."
Hindi siya sumagot. Tumalikod ako sa kanya at muli sanang hahakbang pero hinawakan niya ulit ako sa braso.
"What's wrong with you?" He asked lookingso irritated.
"No, what's wrong with you?" Ganti ko. Tumingin siya sa ibang direksyon at bumuntong hininga. "Okay fine, my bad. Late ako. I forgot to tell you, but is it right na itrato mo ako na parang multo?"
"That's not it, Chantal. Sana sinabi mo na lang sa akin na you cannot make it because you're going to date him." Nabakas ko sa tono nito ang inis.
"I didn't date him. It's a business matter, Gabe." agad depensa ko.
"Kaya pala hawak niya ang kamay mo habang nag-uusap kayo?"
"Hindi ko rin alam kung bakit kailangan niyang hawakan ang kamay ko but—"
"Hindi mo alam, but you still let him hold you."
"Oh god, Gabe! You sound like a jealous boyfriend—"
Seryoso siyang tumingin sa mga mata ko.
"I'm not." He cut me off. "Just don't say it if you cannot make it." With that humakbang siya palayo sa akin.
Wala akong nagawa kung hindi nag bumuntong hininga at pumikit nang mariin.
~(GABERIELLE SAAVEDRA POV)
You should have controlled it, Asshole.
Damn.
Bumangon ako at nilamukos ang mukha ko.
Tapos na sila, tapos na sila Gabe. You have nothing to worry about.
Argh! Gustong gusto ko nang upakan ang sarili ko.
Hating gabi na ay hindi pa rin ako makatulog. Matagal na akong nakatitig sa f*******: account niya thinking kung ia-add ko ba ito o hindi.
Damn it.
Bakit ba pag dating sa kanya naduduwag ako?
~(CHANTAL LANE SY POV)
Of course he was not jealous. Walang dahilan.
Bumuntong hininga ako. It was already midnight. Hindi ako makatulog. I could see in my head his mad face earlier.
Hindi ko maiwasang mapa-busangot.
Parang ang laki ng kasalan ko sa kanya? I was jus late!
"Arrgh!" Nagtalukbong ako ng kumot.
Ang sungit-sungit niya akala mo naman may monthly period.
Narinig kong tumunog ang phone ko. Kinapa ko iyon at dinala sa loob ng kumot. Nakita ko sa notification bar ang pangalan niya.
'Gaberielle Saavedra sent you a friend request'
Napatitig lang ako doon. Kita mo nga naman. Pagkatapos niya akong sungitan, he really managed to send me a friend request.
~(GABERIELLE SAAVEDRA POV)
Damn, should I cancel it?
Maybe she was already asleep. Maybe I should really cancel it habang hindi niya pa nakikita?
Arrrgh!
Yeah, right. I should.
Tiningnan kong muli ang phone ko. Muli kong tiningnan ang profile niya.
Damn, does she really had to profile a sexy picture of her? She was wearing a gown and it shows a little bit of her cleavage. I hated it.
Bumuntong hininga ako. Matagal ng nasa ere ang daliri ko para i-cancel ang request. Pumikit ako para i-cancel iyon pero narinig kong tumunog ang cellphone ko.
I opened my eyes.
'Chantal Lane Sy confirmed your friend request'
Should I message her now?
~(CHANTAL LANE SY POV)
Hour had passed simula ng i-confirm ko ang friend request niya. I admit, I stalked him a little bit at hindi mapigilang tumaas ng kilay ko with his pa-macho posts. Reading some kapokpokan comments on his photos made me cringe.
Pinatay ko na ang phone ko at nagtalukbong ng kumot sa ulo ko.
Was he happy with that compliments? Duh! obviously gusto lang nilang magpakamot. And what? Kilala niya ba lahat ng 'yon? Can't he make his f*******: account private only for people he really knows?
Habang sinusubukan kong matulog ay narinig kong tumunog ang phone ko.
Mabilis pa sa alas-kwatrong kinuha ko iyon.
He sent me a message. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
It was a sticker. A bear holding a heart with a word 'Sorry'
I found my self smiling. Marunong naman pala itong humingi ng tawad.