Malakas na nagbukas ang opisina ng headmaster at iniluwa noon si Aris, ang mensahero ni Mr. Louis. “King Imperiali! Our university is under attack!” Humahangos siya na tila galing sa isang matinding pagtakbo. Mabilis kaming nagpunta sa balkonahe at nakita namin mula roon ang umuusok na parte ng gate ng university. Nasundan pa iyon ng ilang malakas na pagsabog. “Oh, f-ck!” “What the hell?” “P-tangina?” Iba’t-ibang komento ang narinig ko mula sa mga kaibigan ko. Pumikit ako at pinakiramdaman ang bawat ingay na nagmumula sa paligid. There are twenty… thirty… thirty-one… ninety-nine… Oh fudge! There are hundreds of tainted and deadly auras around us. Nilingon ko si Andrius upang tingnan kung ano ang gagawin niya pero parang umurong ang dila ko nang

