On the next day, I tried my best to look okay. Nakatulog akong mabigat ang dibdib. Kanina paggising ay namamaga ang mga mata ko at hindi ako agad lumabas sa kwarto hangga’t hindi pa maayos ang aking itsura. Ayokong malaman nila na hanggang ngayon ay umiiyak at nasasaktan pa rin ako sa lalaking matagal nang walang pakialam. “Did you cry, Celestine? Bakit ganiyan ang mata mo?” tanong ni Brianna. Sa sobrang lakas ng boses ay halos makuha niya ang atensyon ng Imperiali. Nandito kami sa gitna ng school ground para sa ikalawang araw ng tournament. Abala sa pakikinig ang mga kasama namin nang magsilingunan sa akin dahil sa tanong niya. Hindi niya alam kung gaanong paghihirap ang ginawa ko kanina para lang hindi nila mapansin. I tried my best not to have an eye contact with them. Di