Kinabukasan ay maaga akong nagtungo sa university. Mayroon muli akong baon na tsokolate dahil alam kong ubos na ni Elizabeth ang ibinigay ko kahapon. Dinagdagan ko na rin iyon para mabigyan ko rin ang Imperiali. “Good morning, my love.” Si Andrius ang unang bumungad sa akin pagtapak pa lang ng paa ko sa university. “A wonderful morning, mahal.” Tumingkayad ako para maabot ang labi niya at napangisi ako nang mabato siya sa kinatatayuan niya. Nakaisip ako ng kalokohan at nag-umpisang maglakad palayo sa kaniya. Hindi nga nagtagal ay naririnig ko na siyang sumisigaw. “Wait for me, baby!” Nangingising nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na nagulat nang magawa niya akong abu