CHAPTER THIRTY TONYO “JOKE LANG,” natatawang sabi ni Carlos. Halos mabali ang leeg kong nakalingon sa labas ng bahay at wala naman pala si Elsa roon. Sinapak ko nga. Kinabahan ako roon ah. “Uy wag ganon kinabahan siya oh. Hahaha,” si Joseph na humagalpak ng tawa. “Mga loko gawin niyo na nga lang yan. Sa susunod na linggo na to. Wag tayong makapante. Dapat handa tayong lahat,” hindi ko maiwasang kabahan. Pinili kong sa linggo nalang ang araw kung kailan ko siya aalukin ng kasal. Para sa akin ay iyon ang magandang tiyempo. Sana nga ay wala ng maging abala apra matuloy talaga. Hindi na talaga to joke joke lang. Hindi ito isang laro na puwede akong mag quit. Kung ako ang tatanungin ay wala akong balak na umatras. There’s no turning back sabi nga nila. “Oo naman zer. Boy scout tayo