Akala nya noon sa pag alis nya ay magiging masaya ang lahat, habang sya ay umiiyak habang tinatanong sa sarili nya kung bakit ganon ang buhay nya. Akala nya sa pag alis nya magiging okay lang ang lahat, akala nya mabuti pang lumayo at kalimutan ang mga taong hindi sya matanggap tanggap at tinutulak ng malayo. Hindi sya makapaniwala sa mga nalaman nya sa kanyang yaya, lahat lahat. Hanggang ngayon ay umiiyak parin sya sa kwarto nya, hindi sya lumabas para kumain ng tanghalian o hapunan. Hinihintay nya ang bukas ng pinto nya. Sa tatlong gabi nya dito sa bahay ng daddy nya ay lagi nyang nararamdaman ang pag bukas at sarado ng pinto ng kwarto nya. Naririnig nya ang salita ng daddy nya kung gaano sya kamahal at kung gaano ito nag sisi sa lahat ng ginawa nito sa kanya. Lagi syang nag papanggap