Dean‘s PoV “SINUSUNDAN mo ba ako ha?” pagalit at seryosong tanong sa akin ni Shyra. Bumaba ito sa owner jeep at hinarap ako. Humalukipkip ito at gumagalaw-galaws ang mga kilay nito habang nakatingin sa akin. Bumuga ako nang malalim at saka tumango. “Nag-aalala lang ako sa iyo, Shyra. Alam kong kasalanan ko kung bakit nagkakaroon ka ngayon ng---” “Wala kang dapat na ipag-alala sa akin, Dean. Ang mabuti pa umalis ka na lang at huwag na huwag mo na akong susundan dahil kaya ko naman ang sarili ko.” “Pero…” “Sige na, umalis ka na, Dean. Mas mabuting lumayo ka na lang sa akin para hindi na ako tuluyang mapahamak dahil sa iyo,” malamig na sabi sa akin ni Shyra. Naglakad ito patungo sa isang sasakyan na huminto malapit sa akin. Labag man sa kalooban ko ang sinabi nito ay minabuti ko na lang

