Luna’s PoV Nanghihinang napaupo ako sa gilid ng water tank. Hindi ko na namamalayan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Ang akala ko may ibang tao na nagtangka sa buhay ko pero si Dean lang pala. Alam na ba nito na ako ang anak ng taong kinamumuhian nito kaya gusto niya akong mawala? Pinahid ko ang luha sa aking mga mata at saka masamang tumingin sa kinatatayuan ni Dean. Malayo ako sa kanya kaya hindi ko naririnig ang sinasabi nito sa kabilang linya. Ilang sandali pa ay umalis na si Dean. Narinig ko ang sasakyan nito na umalis na ng rice mill. Nanatili pa rin ako sa likod ng water tank at malalim na nag-isip. Ipinasya kong tumayo at naglakad patungo sa may pintuan ng rice mill. Nagulat na lamang ako nang makita ko ang dating kaibigan ni Dark, si Krypton. Nagtago ako sa likod ng

