"Can we have it now, my love?" Martin Luther asked his wife. Aba'y kailangan pa niya iyong itanong dahil tinutoo naman nilang mag-asawa ang bakasyon. Subalit naiiba ang pinili nilang dalawa. Dahil imbes na sa hotel dumiretso ay sa resort. Mayroon silang sariling room at cottage. Ayaw din naman nila ang makipagsiksikan sa mga tao. Kaya't isang room at isang cottage. "Tsk! Tsk! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, my love. Aba'y maliwanag pa ang sikat ng araw." Hagikhik naman ni Claire. "Hmmm, ang sabi ng matatanda ay wala raw pinipiling oras kapag ang buddy-buddy ang tumatawag. Kaya't kako kung puwede na. Aba'y hindi rin biro ang ilang buwang walang nangyari ah," giit niya. Kaso ang asawa niya ay trip siyang asarin. Ah, mali pala ang ginamit niyang salita. Dahil binibitin siya nito. Hindi n