"Why you guys are all here? What are you doing in this place?" Mga ilan lamang sa tanong na nanulas sa labi ni Claire nang mapagsino ang mga humarang sa kaniya. And yes, hindi lamang iisa ang humarang sa kaniya kundi ang buong unit niya. Maliban na lamang kina Anaconda at dalawang naka-disguised. "Madam Miller, bago pa kami maging traydor at kontrabida sa iyo ay itigil mo na iyan. Dahil bago pa kami naging public servant ng ating bansa ay mga nilalang na tayong pare-parehas na nililok ng Diyos." Napalingon tuloy siya sa tauhang himalang nagkatinig. Kaso bago pa niya maibukas ang bibig upang salungatin sana ito ay ang isa pa niyang tauhan ang nagsalita. "May lagnat ka ba? O mas tamang sabihin kong ano nga ba ang nakain mo at bigla kang nagkaganyan." Hindi nga siya nakuntento dahil sin