"Huh! Parang kailan lang nang dumating kayo rito sa Korea, pinsan, bayaw. Ngunit heto at pauwi na naman kayong mag-asawa. When you will come back?" Hindi pa nga nakakauwi sa bansang United Kingdom ang pinsan niyang kapwa mainitin ang ulo. Ngunit ang pagbalik na nito ang tinatanong niya! Akala nga niya ay sa sarili lang siya napangiwi ngunit hindi lang pala iyon ang nagawa kundi napahawak pa sa batok! Tuloy! "Tsk! Ilan na ba ang mga apo mo, pinsan? Aba'y mukhang iba ang epekto ah." Pagbibiro tuloy ni Claire. Well! Bawi-bawi lang din naman! Aba'y lagi siya nitong tinutusta sa ilang linggo nilang paninirahan sa bansang Korea. Pinabalik nga sila roon mula sa Saudi Arabia kaya't imbes na two weeks lang ang paninirahan nila roon ay inabot sila ng isang buwan! "Hmmm, ikaw nga itong iilan ang