NAGTAGPO sila sa gitna. Hindi mapatid ang titig sa kaniya ni Dashiel hanggang sa makaramdam na siya ng pagkailang. Hindi pa naman niya mabasa ang iniisip nito. Napapangitan ba ito o nagagandahan sa ayos niya? Kung magkakaro'n siguro ng mga mata ang bato ay parang gano'n si Dashiel. Walang karea-reaksiyon. "Something's missing here." Narinig niyang sinabi ni Dashiel kaya nagusot ang noo niya. "A-ano?" Hindi ito sumagot. Hinawakan siya nito sa kamay at iginiya siya palapit sa mesa. Isang parihabang pulang kahon ang naroon. Kinuha nito ang kahon at binuksan. Mula roon ay hinugot nito ang isang kwintas na may manipis na chain at kumikinang na diamante. Bahagyang namilog ang mga mata ng dalaga. Walang sali-salita, umikot si Dashiel sa may likuran niya at isinuot sa kaniyang leeg ang kwint