Kabanata 38

2224 Words

MAG-AALAS siete ng umaga nang magising si Violet. Pagkaligpit ng hinigaan ay lumabas na siya para makapagbanyo. Nagtimpla siya ng gatas at naghanap ng makakain sa almusal. Nakakita siya ng kaning-lamig at siyang isinangag. Pinaresan na lang niya iyon ng isang pritong itlog at isang pritong hotdog. Hindi siya pwedeng nagpapalipas ng gutom lalo na ngayon na may isang buhay na umaasa sa kaniya. Pagkakain ay uminom naman siya ng iniresetang vitamins sa kaniya ng doktor. Mahigit dalawang linggo na ang nakaraan mula nang maghinala siyang buntis siya. Kumonsulta agad siya sa OB-Gyn. Doon napatunayan na nagdadalang-tao nga siya. Dalawang buwan na ang tiyan niya, pero kahit ganoon ay nagpatuloy siya sa inaplayang trabaho. Nakikisama naman ang sanggol sa kaniyang sinapupunan dahil madalang na mada

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD