TINALUNTON niya ng mga daliri ang mapupulang mga marka sa dibdib at sa palibot ng mga s*so. Hanggang sa tagiliran pala ng leeg niya malapit sa balikat ay may bakas din ng halik ni Dashiel. Bahagya pa ring namamantal ang mga labi niya. Hindi lang mahahalata dahil sadyang mabibintog ang mga labi niya at natakpan na pati iyon ng ipinahid na lipstick sa kaniya ni Manay Sylvia. Huminga nang malalim si Violet saka tuluyang hinubad ang bathrobe. Kinuha niya ang shopping bag kung saan naroon ang bagong damit na inihatid ni Manay Sylvia. Inilabas niya mula bag ang damit. Sa tabas pa lang ng leeg at dibdib noon ay siguradong hindi niya maitatago ang mga marka sa balat. Sana ay kagaya na lang din ng kahapon na suot niya. Kalahati man ng likod niya ang hantad sa damit, halter neck naman iyon kaya ma