"Pinuno paano ito anong gagawin natin napakarami nila?!" tanong ni Shaymay sa kanilang pinuno ng makarating na siya sa bahay ng mga ito may mga ilan na rin silang kasamahan na nasa bahay nito at nag-uusap usap sila kung ano ang magandang gawin. "Hindi pa ba natin maaaring gamitin si Mira para magapi ang mga zombie na iyan? Sa bilang natin at bilang natin dihado tayo sigurado mauubos lang tayo kapag hindi tayo nakapag-isip ng magandang paraan," tanong nito sa kanya. Totoo nga naman ang sinasabi ng kanilang pinuno ilan lamang sila na marunong makipaglaban, ang karamihan kasi sa Sitio ay may mga edad na at mga bata nalang ang natitira. Ang mga kalalakihan naman ay halos naging alagad na ni Ezekiel at ang iba naman ay nasa kani-kanilang pamilya para ipagtanggol ang mga ito. Ilan lamang sil