"Uy gising na rin sila, masaya ito!" nakangising wika at ng kanyang tiyo Jun. "Huh, n-nasaan, nasaan kami? Sino kayo? Anong ginagawa namin sa lugar na ito? Ang babaho ninyo, lumayo kayo sa akin, nakakaditi!" hiyaw ng isa na tila nasusuka. "L-Lei!" sigaw naman ng isang babae na kasama ng tatlo mabilis itong lumapit sa unang na biktima ng kanyang tiyo ngunit nakatulala lamang ito at tila wala na sa sarili. "Anong ginawa ninyo sa kaibigan namin?" wika ng babaeng unang nagsalita. Pa-uyam ngumisi si Zander at saka nilapitan ang isang babae. Agad na marriing hinawakan nito, ang mukha ng babae at inapit sa mukha niya, inilabas ang dila na medyo nangingitim na at walang pakundangang pinasadahan ng dila ang mukha nito. "Yuck nakakadiri! Ang baho ng bibig mo, mas masahol pa sa imburnal, na