bc

Monsters Among Us

book_age16+
417
FOLLOW
1.1K
READ
adventure
dark
forbidden
fated
twisted
sniper
swordsman/swordswoman
secrets
special ability
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Si Victoria ay isang milagro ng langit sa mag-asawang Elias at Beatrice na mahabang panahon nilang hinangad. Isinilang siyang normal at malusog ngunit sa kaniyang paglaki ay may mga bagay na walang sinuman ang makapagpaliwanag. May nakikita siyang hindi nakikita, nararamdaman at naririnig ng iba. Kaya mas pinili ng mag-asawa na malayo sa mga taong mapanghusga.

Nang tumuntong sa edad na labing-tatlo, roon na sinubukang pasukin ang katawan niya ng isang demonyo. Isang madre ang biglang sumupot sa kanilang tahanan dala ay tulong at upang ang dalagita ay bigyang kalayaan.

Sa mga labi ng madre nila malalaman ang anak nila ay sugo ng kalangitan. Isasama niya ito sa kaniyang pag-alis upang sanayin sa pakikipaglaban. Sa tamang panahon, babalik upang harapin ang pitong magkakapatid na maghahasik ng kasamaan sa mundo, ngunit sino ba ang pitong ito? Ano ang kaya nilang gawin upang maghatid ng pangamba hanggang sa langit?

chap-preview
Free preview
I
(Ikawalo ng Marso , taong 1998 Sa tahanan ng mga Santa Ana) "Congratulations!" "Napakagandang sanggol!" "Pwede ko ba siyang hawakan?" "Para siyang anghel." Walang katapusang pagbati ang natatanggap ng mag-asawa pag-uwi nila ng kanilang bahay. Masayang-masaya ang lahat sa pagtanggap ng bagong silang na sanggol sa pamilya at halos pag-agawan nila ito at pinagpapasapasahan. Matapos ang mahabang panahon na paghihintay, sa wakas ay binigyan rin sila ng Diyos ng pinakahahangad nilang regalo. Matagal na nilang dinadalangin ang magkaroon ng anak at makalipas nga ang higit dalawampu't dalawang taon nilang pagsasama ay saka lamang sila nabiyayaan ng supling. Isa nga raw iyong milagro sabi ng karamihan. Dahil alam ni Beatrice ay menopause na siya at taon na rin simula nang huli siyang nagkaroon ng buwan ng dalaw. "Ang Diyos ay talagang hindi kailanman mahuhulaan ang mga plano at kung magbigay naman ay labis na supresa." Usal ng Lola ng bagong panganak na sanggol habang maingat na hawak ang bata. Kinuha na niya ito sa kanila sa takot na baka mabitawan nila ito sa kanilang ginagawa at wala na silang nareklamo dahil mahigpit na niyang yakap ito. Lahat sila'y minamasdan ito nang humikab ang bata at para silang mga hibang na manghang-mangha sa nasaksihan. Animo'y iyon ang kauna-unahan nilang nakakita ng sanggol na naghihikab sa tanang buhay nila. Sabagay, sino ba naman ang hindi madadala kung ang sanggol na nasa iyong harap ay may napakaamong mukha, kutis na napakaputi na parang nyebe, ginintuan ang bawat hibla ng manipis nitong buhok at parang anghel na biyaya ng langit. "Pagod na yata siya."Komento ng matanda at bahagyang hinele ang bata. Maya-maya'y nakatulog na ito sa kanya mga bisig at tahimik lang ang mga naroon na pinapanood ang sanggol. Ibinalik na niya ang sanggol sa kanyang ina nang nahihimbing na ito. Lumabas na sila upang hayaan magpahinga ang dalawa. Sumama na rin sa labas ang ama ng sanggol kasama ang kanilang mga bisita upang pagsilbihan ang mga ito't bigyan ng meryenda. Dinig ni Beatrice ang mga pag-ingit ng hagdan habang nanaog ang mga ito at sa kanilang pagbaba ay nabalot na ng katahimikan ang silid na kanina lang ay punong-puno ng ingay at kasiyahan. Dahan-dahan niyang inilapag sa kanyang tabi ang natutulog na anak, pinapanood ang bawat pagtaas baba ng dibdib sa tuwing hihinga at pagpitik ng ugat nito sa leeg na kitang-kita niya dahil sa puti ng balat nito. Hindi pa rin makapaniwala na may anak na sila ng kanyang mahal na asawa. Sa bawat pagtibok ng puso ay labis-labis na ang ibinibigay na kasiyahan sa kanya. Lalo pa nang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito habang mahimbing na natutulog. "Sinong kalaro mo anak ko?" Malambing na bulong ni Beatrice sa anak. Sabi kasi ng matatanda kapag ngumingiti ang sanggol ay nakikipaglaro ito sa kanyang angel, madalas iyong sabihin ng kanilang ina noon kapag may nakikitang sanggol na ngumingiti habang nahihimbing. Ang sakit mula sa panganganak ay sulit aniya dahil ang panandalian hirap na pinagdaanan niya sa panganganak ay pinalitan naman ng walang katapusang kaligayahan para sa kanilang mag-asawa. Humiga na siya sa tabi nito at bago ipinikit ang mata'y bumulong muna ito sa tainga nito. "Sana'y lumaki kang isang mabuting tao aking anak. Huwag mo kailanman isuko ang sarili sa anumang masama at nawa'y lagi mo lamang gawin ang nararapat at tama." Kakauwi lamang nila galing sa ospital at hindi pa siya nakakabawi ng lakas. Dalawang araw rin silang namalagi sa roon bago pinayagan ng doktor na umuwi. Hindi siya nagkaproblema sa panahon ng kanyang pagbubuntis ngunit tatlong araw bago niya isilang ang bata'y napansin ng kanyang doktor ang patuloy na pagbabago ng posisyon ng paslit sa loob ng sinapupunan na labis nagbigay pangamba sa kanila dahil magiging mahirap para kay Beatrice ang pagluwal sa bata kapag nagkataong nauna ang paa nito. Sa eksaktong petsa na ibinigay ng doktor sa kanyang pagsilang ay ayaw labis siyang nahirapan kaya naman nagpasya ang kanyang doktor na ito'y i-ceasarian at habang hinahanda na nila ang emergency room para sa C-section ay sinubukang kausapin Beatrice anak na nasa kanyang sinapupunan. Sinabayan niya rin ito ng taimtim na panalangin. Nasa loob na siya ng emergency room nang maramdaman niya ang matinding hilab at bago pa madikit ng doktor ang kanyang kamay sa balat ni Beatrice ay napasigaw ay napasigaw ito nang biglaang lumabas ang sanggol kahit nauuna ang dalawang mga paa nito. Nagulat na lamang ang doktor at mga Nars na nasa loob. Pang-angat ng doktor ng tela upang tignan ay nakita niya ang malusog na sanggol at nang buhatin niya ito'y doon lamang ito umiyak nang pagkalakas-lakas na umalingawngaw sa loob ng ospital na para bang isinisigaw ng sanggol ang kanyang pagdating sa mundong ibabaw. Nadinig ng lahat ang tangis ng sanggol na nagbigay ng kakaibang kagaanan sa kanilang pakiramdam. Isang banayad ng paghipo na nagdulot ng kapanatagan sa kanilang mga puso. Kagulat-gulat na nga lamang na wala nang nakaalala ng pangyayaring iyon maliban sa mag-asawang Beatrice at Eli. Dahil malusog ang sanggol at wala namang naging problema ang kanyang ina matapos nitong manganak ay pinayagan na silang umuwi sa sumunod na araw. Ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan ay naghanda ng isang maliit na pagdiriwang upang salubungin sila sa kanilang pagdating. Balak nilang pangalanang Micaela ang bata na nangangahulugang, himala ng Diyos. Napakaraming regalo ang dumating mula sa mga taong kakilala. Halos buong araw ay may mga tao na kumakatok sa kanilang pinto upang silipin ang sanggol at magbigay ng regalo. Pagod man ang ama ng sanggol sa pagtanggap sa mga dumarating ay masaya naman silang mag-asawa sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanilang nag-iisang anak at nang oras kung kailan akala nila'y wala nang darating na bisita'y isang sunod-sunod at malakas na pagkatok ang gumambala sa kanila. Nagtataka man kung sino ang nasa labas, pinagbuksan pa rin siya ng pinto ni Eli gaya nang utos ng kanyang asawang si Beatrice. "Magandang gabi po, pasensiya na po sa abala at gabi na po kami nakarating." Bati ng estranghero. May nakaparadang isang trak sa harap ng kanilang bahay na may logo ng isang international door to door company ganoon din ang suot na damit ng lalaking kanyang kaharap. "Magandang gabi rin saiyo. Anong maitutulong ko?" Tanong ni Eli sa lalaki. "May package po para sa'yo. Nag-iisa na lang sa trak namin na dito po naka-address sainyo, pabalik na po kami ng Maynila kaya po sinaglit na po namin dito. Baka importante po ang laman, ang layo pa po kasi ng pinangalingan." Mahabang sagot ng lalaki. Hawak na nito ang maliit na kahon na tinutukoy nito. Wala naman silang inaasahang regalo galing sa malayong lugar. Nakapangalan sa kanyang asawa ito at walang pangalan kung kanino nanggaling, maliban sa address na di pamilyar kay Eli. Matapos siyang papirmahin ng lalaki'y umalis na rin ang sila. Sinara na niya ang pinto at nagtungo sa silid kung nasaan ang kanyang mag-ina. "Ano 'yan?" Agad na tanong ni Beatrice nang makita ang hawak nitong kahon. "Hindi ko alam." Sagot nito at inalog ang kahon at nilapit sa tabi ng tainga. "Hindi kaya bomba?" Biro nito. "Salbahe. Kanino ba galing?" Tanong niya habang naglalakad palapit ang kanyang mister. "Japan?" Basa ni Eli nang nakakunot ang noo. "Ha? Japan? Kanino galing?" Usisa ni Beatrice. Nag-iisip kung may kakilala ba sila o kamag-anak na nasa Japan. Binuksan ni Eli ang kahon at bumungad ang isa pang kahon na nakabalot sa puting tela at sa telang iyon ay may lamang maliit na baul na gawa sa metal na kasing laki lang ng kahon ng baraha na may nakalakip na sulat. Inabot niya kay Beatrice ang sulat na nakapangalan sa kanya. Agad naman niyang binuklat at binasa nang malakas para marinig rin ng kanyang asawa. Petsa: Pebrero 22 taong 1963 Mahal kong Beatrice, Binabati kita at ang iyong asawa. Pinakahihinray ko ang araw na ito, inaasahan kong makilala ko si Micaela nang personal ngunit sa ngayon ay hindi ko na magagawa pa. Pakisabi na lamang na mahal siya ng kanyang Lola at babantayan ko siya kung nasaan man ako. Ang regalong ito ay para sa kanya, upang maprotektahan siya. Mangyaring tiyaking isusuot niya ito palagi, dahil ligtas siya kapag hawak niya ito. Nagmamahal, Tiya Diana Tinuping muli ni Beatrice ang sulat at gulat na gulat sa nabasa. Kinilabutan rin siya nang maalala kung sino ang Diana na nagpadala ng liham at regalo para sa kanilang anak. "Sinong Tiya Diana? Mayroon ka bang Tita na nagngangalang Diana." Tanong ng mister niya. Nagulat si Beatrice sapagkat ang kamag-anak niya na iyon ay namatay na mahigit tatlumpung taon na ang nakalilipas, hindi pa sila nagkakakilala ng kanyang napangasawa noon. Isa itong madre na matagal nagsilbi at nanirahan sa Japan at doon na rin sa bansang iyon binawian ng buhay matapos magkaroon ng nalubhang karamdaman. "Oo, mayroon, nakatatandang kapatid siya ni Inay. Tignan mo ang petsa." Utos niya sa asawa at inabot rito ang sulat ngunit hindi iyon ang unang nakita ng mga mata niya. "Paano niya nalaman ang pangalan ng ating anak? Hindi pa naman natin sinabi sa kahit kanino kung anong pangalan ang binigay natin sa ating anak hindi ba? At ang petsa." Ang kanyang asawa ay naguluhan bigla. Binasa niyang muli upang makasiguro. Baka nagkamali lang siya ng dinig at basa kanina, ngunit ganoon pa rin naman. "Hindi ko alam." Sagot ni Beatrice. Naguguluhan rin siya, imposible dahil matagal nang namatay ang kanyang Tiya. "Ano ang nasa loob niyan?" Tanong ni Beatrice sa asawa na natulala nang nakatingin sa liham na kanya pa ring hawak. Halos nakalimutan na nito ang hawak nang mga oras na iyon dahil labi na naguguluhan ang kanyang isip. Binuksan niya ito sa harap ng kanyang misis at pag-angat niya ng takip ay tumambad sa kanila ang isang gintong kuwintas. Kinuha niya ang kuwintas sa loob at inabot kay Beatrice. Kuwintas na may isang solong pendant na puting bato na korteng patak ng luha. Maliit lamang iyon, lumaki lang ng kaunti sa butil ng palay. "Sa palagay ko'y hindi magandang ideya na ipasuot natin ito sa ating anak." Wika ni Eli sa asawa. "Bakit naman?" Mabilis na tanong ni Beatrice. "Ewan ko ba, kakaiba lang ang pakiramdam ko sa pagtanggap ng regalo mula sa isang patay na." Sagot niya. "Si tiya Diana ay isang madre. Nagsisilbi siya sa Diyos hanggang sa huling hininga. Baka may pinagbilinan siya na ipaabot sa akin anh regalong ito noong nabubuhay pa pero kung ayaw mong isuot ni Micaela ay itago nalang natin. Sa tingin ko rin ay kailangan kong kausapin si Inay bukas upang ipaalam sa kanya kung ano ang ating natanggap. Baka may makuha tayo sa kanya na impormasyon tungkol sa mga kaibigan ni Tita Diana sa kombentong pinaglagian niya noon dahil mukhang galing sa mismong kombento base sa address na nakasulat rito. Para man lang makapagpasalamat" Ani Beatrice. "Magandang ideya." Pagsang-ayon ni Eli. Ibinalik na nila ang kuwintas sa kahon at itinago ito sa loob ng drawer sa loob rin ng kanilang silid. Natulog na sila pareho nang magkatabi habang ang sanggol ay mahimbing na natutulog sa crib nito na malapit lang sa hinihigian nilang mag-asawa. Ilang beses bumangon si Beatrice upang magpadede at palitan ang lampin ng bata kaya naman umaga na'y nakahiga pa rin siya sa kama't natutulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
193.2K
bc

Summoners Path

read
52.5K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
13.2K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

Wife For A Year

read
67.3K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
84.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
310.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook