SA sentro ng Irosin kami nagpunta dahil naroon ang malaking tindahan ng mga furnitures. Ako ang pinapili ni Senyorito Matthew ng magiging bago naming dining table. “Ito na lang. Simple lang ang design niya pero, maganda.” Pumili rin kami ng mga cabinets at side boards. Pagtapat sa mga hilera ng kama ay tiningnan ako ng aking kasama. “Komportable ka ba sa kama natin?” Hindi ko tiyak kung ang kama natin na tinutukoy niya ay ang dalawang magkahiwalay na kama o ang kama lang niya sa kwarto pero, sumagot ako. “Oo. Masarap namang higaan.” “Hindi nasasaktan ang likod mo kapag… alam mo na?” Awtomatikong nag-init ang mukha ko nang maintindihan ang tinutukoy niya. Napatingin ako sa assistant na nasa malapit. Mukha namang hindi nito narinig ang sinabi ni Senyorito Matthew. “Gusto mong palit