NANG araw ding iyon ay tinawagan ko si Jude para ipasundo si Candida. Ang sabi ng babae ay isang linggo na halos ito sa Maynila. Hindi ko alam kung saan ito nagtungo kasama ang madrasta at kapatid ni Gigi na bunso pagkatapos na abandonahina ng bahay na ibinigay ko. Inakala ko pa na kasama rin nila ni Gigi pero, nang sabihin ng imbestigador na nakita si Gigi sa CCTV ng isang bus terminal ay nagbago ang hinala ko. Iniwan ko ang pagmamanman sa bahay ng mga Arevalo at nagmaneho palabas ng subdivision. Bilin ni Candida na kung magkikita kami ay sa hindi mataong lugar. Tumindi lalo ang kuryosidad ko sa nais niyang sabihin. Ipinasok ko ang kotse sa basement ng isang ospital at ipinasyang doon na maghintay. Pagkalipas nang halos dalawang oras ay natanaw ko rin ang pagdating ng sasakyan ni Ju