NAGSALUBONG ang mga kilay ko sa aking narinig. Hindi ako nagsalita pero, nagawa kong umiling para ipakitang kontra ako sa sinabi niya. Beinte anyos na ako. Ano bang akala ng abogadong ito? Na ako pa rin ang dating elementary student na nakilala niya noon? Inilipat ko ang mga mata ko sa aking kamay na nasa kaniyang dibdib. Ramdam ko sa aking palad ang malalakas na t***k ng puso niya gayundin ang mabibigat niyang paghinga. Dahan-dahan kong pinagapang ang kamay ko paakyat sa leeg ng abogado hanggang sa kaniyang panga. Bahagyang nakiliti ang aking palad ng kaniyang balbas. Tumitig ako sa mga labi niya. Mahigpit akong lumunok upang palisin ang matinding kaba ko. Gusto kong gayahin ang ginawa niya. Gusto ko ring damhin sa mga daliri ko ang mga labi ni Senyorito Matthew. “Gigi.” Naiwan sa