NASA office nito si Tita Samantha nang dumating ako sa Villa Isabelle. Pagpasok ko pa lang ay sinabi na niya na kanina pa siya naghihintay. Humingi ako ng paumanhin dahil pasado tanghalian na nga nang dumating ako. Na-delay ang pag-alis ko sa rest house dahil kahit sinabi ni Gigi na roon lang siya maghapon, hindi ko siya maiwan-iwan. “Kung hindi importante ito ay hindi naman kita aabalahin, Matt,” panimula niya. I already noticed her uneasiness. Mukhang kailangan niya talaga akong makausap. “Tungkol saan ba ‘yan, Tita Sam? Let’s just go straight to it dahil kailangan kong makabalik agad sa Irosin.” Sumeryoso siya lalo at tiningnan ako bago muling nagbukas ng bibig. “Nalaman ko kahapon sa abogado ni Papa na ipinapaayos na ng Lolo mo ang adoption kina Stephanie at Calyx.” Hindi ako nagu