INIABOT ko kay Ate Rosa ang platong aming pinagkainan. Nagisnan ko ang ginang kaninang pagbaba ko. May naihanda na siyang almusal sa mesa at siyang pinagsaluhan namin. Gaya ng sinabi ni Senyorito Matthew kagabi, si Ate Rosa ang makakasama ko sa rest house dahil may kailangan itong asikasuhin. Hindi ko nasabi na hindi niya ako kailangang pasamahan. Kung sa gabi nga ay naiiwan niya akong mag-isa, bakit sa araw ay kailangang may kasama pa ako. Hindi naman ako tatakas kung ‘yon ang iniisip niya. Tinulungan ko si Ate Rosa sa paglilinis ng bahay. Binilin din daw kasi iyon ni Senyorito Matthew bago umalis. Nang matapos ay nagsabi si Ate Rosa na maglalaba pa raw ito. “Makikisuyo na nga ako sa’yo, Gigi. Kung pwedeng ikaw na ang kumuha ng maruruming damit ni Attorney at pakibaba rito. Isama mo