TUMAYO rin ako para salubungin ng yakap si Matthew. Akala ko ay hindi na niya ako babalikan. Hindi pa naman ako matahimik sa kwento ni Ate Rosa kanina. “Sorry. Hindi na ako nakatawag. May inasikaso kasi ako. Anyway, tapos na ba kayo?” tanong niya at tumingin sa kasama ko. Hindi ako agad sumagot. Binitiwan ko si Matthew at nilingon si Gio. Palipat-lipat ang nagtatanong na tingin niya sa amin. “Gio… pasensiya na kung hindi ko nasabi agad sa’yo. Nagkabalikan na kami ni Matthew. Magkasama na ulit kami.” Hindi nakaimik si Gio. Ganoon pa rin ang reaksiyon niya. “I want to thank you for helping Gigi out during those times. H’wag kang magtatampo sa kaniya kung hindi niya nasabi sa’yo ang tungkol sa amin. It was difficult for her to decide and trust me again. Intindihin mo sana ang kaibigan