Chapter 1

928 Words
Umuwi rin si Kiel sa kanila dahil pinatawag ‘to ng ama n’ya. Nag-iisang anak si Kiel habang kami naman ay tatlo. Mayaman ang daddy ni Kiel at may mga business ‘to. Pero piniling manirahan sila ng pamilya n’ya na simple dito sa kagustuhan ng mama ni Kiel na makasama ang mama ko. Si papa naman ay manager sa isang banko. Maganda ang pasahod doon kaya nabubuhay naman kami magkakapatid. May sakit si papa at si mama naman ay housewife, s’ya ang nag-aasikaso sa amin magkakapatid dito sa bahay. Kinuha ko ang mga gamit ko at gamit ni Keiran para iakyat sa itaas habang si Kiella naman ay buhat buhat ang kan’ya. Paniguradong nasa court na naman ang kapatid ko para mag-basketball. Hinahayaan ko na lang dahil kasiyahan n’yo ‘yon at hindi naman nahihirapan sa pag-aaral. Mataas ang grades, siguro dahil matalino sila mama at papa. Nang maipasok ko na ang mga gamit sa kwarto ni Keiran at pumunta ako sa kwarto ko para ilagay ang gamit doon. Lumabas ako at saka pumunta sa kwarto nila mama para sana itanong ano ang iluluto ko dahil mukhang matagal pa sila sa pag-uusap. “Marami na tayong utang! Bakit bili ka pa nang bili ng mga bagay na hindi naman kailangan---” “Ano ka ba?! Isang sweldo mo bayad na agad ang isa ha? Anong nirereklamo mo---” “Mahal ang University na papasukan ni Akella! Ano sasabihin ko sa anak natin pag hindi ko s’ya nagawang ipasok doon? Doon papasok ni Ezekiel at alam naman natin na hindi napaghihiwalay ang dalawa na ‘yon!” Kumunot ang noo ko dahil sa pinag-aawayan nila. Marami kaming utang? Bakit? Ano nangyari? “Edi magtatrabaho ako---” “Annilyn!” sigaw ni papa rito at mukhang kinagulat ni mama. “Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit kasi nalulong ka sa majong na ‘yan! Ayan ang nangyari sa atin! Puro utang?! Paano kung mahanap ka ng mga pinagkautangan mo sa Casa na ‘yon? Pumirma ka pa na l bahay ang makukuha---” “Mababayaran natin ‘yon! Ano ka ba?!” Pinili ko na lang umalis doon at saka bumaba. Pumunta agad akong kusina at saka nagsimula magluto para sa amin. Alam ko naman na magkakaayos sila at kung sakali naman na hindi na nila ako kaya sa gusto kong University ay gagawa naman akong paraan. Pwede naman akong working student o ano. Pwedeng pwede ako. Natapos ako sa pagluluto ay bumaba na si mama at papa. Mukhang hindi sila nagpapansinan dahil sa away nila. Bumaba na rin si Kiella na hawak hawak ang libro n’ya at saka naupo sa upuan. Dumating din si Keiran na mukhang tuwang tuwa dahil nanalo sa laro nila. “Maligo ka na. Kakain na tayo,” utos ko dito. “Ano ulam, ate?” “Sinigang na baboy. Sige na, amoy pawis ka!” sigaw ko rito at saka umalis s’ya. Si mama namnan ay inayos na ang pagkain ni Kiella at sinimulan na n’ya ‘to subuan. Tumingin ako kay papa pa ngayon mukhang stressed na stressed dahil sa pinag-usapan nila ni mama. Bakit natutong magsugal si mama? Kailan pa natuto? Hindi ko alam na nagsusugal ni mama o dahil masyadong busy lang ako sa pag-aaral ko ng Senior high dahil graduating ako? Napalunok ako saka umiwas ng tingin sa dalawa. “Pa, kain ka na.” “Sige lang, anak. Kumain ka na rin. Kailan n’yo ba balak pumunta ni Kiel sa University?” napatitig ako dito. “Papa, pwede naman ako doon sa mga public na lang---” “Hindi. Ikaw na may sabi na maganda ang turo doon sa University na sinasabi mo? Kaya bakit aayaw ka?” tumango ako dito at saka naupo. Maya maya ay bumaba na si Keiran na mukhang tuwang tuwa. Nagsimula na kaming lima na kumain pero walang imikin si mama at papa. “Siguro, pa? Kuha na lang ako ng Scholar para hindi naman po tayo mahirapan---” “Maganda ‘yon,” nakangiting sabi ni papa kaya napangiti ako. Dumating na si Keiran at nagsimula na ‘to kumain sa tabi ko. Natapos kami ay si Keiran na naghugas ng mga pinagkainan namin. Ako naman ay sinamahan ang kapatid ko para makapaglinis ng katawan. Sinuot n’ya ang kanyang terno na damit, agad s’ya nahiga at saka kinuha ang kumot para takpan ang sarili n’ya. “Ate, nag-aaway ba si papa at mama?” nagulat ako sa tanong nito. “Hindi. Bakit sila mag-aaway? Love ni mama si papa at gano’n din si papa…” tumango s’ya sa akin at ngumiti. “Kasi kahapon, ate. Narinig ko sila may utang daw si mama na malaki sa isang Casa,” napapikit ako at huminga nang malalim. She’s too young for this. Hindi n’ya dapat malaman ang mga bagay na ‘to. Dinilat ko ang mga mata ko at saka hinaplos ang kanyang buhok. Tahimik lang s’ya nakatingin sa kain pero may ngiti ang mga labi. Hindi n’ya pa maintindihan ang lahat. In her age, hindi pwedeng makita n’ya ang pag-aaway nila mama. Hindi pwede dahil baka ano isipin n’ya at anong trauma ang makuha n’ya. “Matulog ka na.” “Opo.” Agad ko s’yang iniwanan sa loob ng kwarto n’ya at lumabas ako. Sakto naman na papasok na si Kiel sa kwarto n’ya. Pumunta muli ako sa kwarto nila mama pero sigawan na naman ang narinig ko. Hindi ko alam kung papasok ba ako sa loob o hindi. Hindi ko alam dapat ko ba sila kausapin sa ganitong kalagayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD