Kabanata 2: Ang Aroganteng Boss

1340 Words
“COME IN, Chinky!” maawtoridad na sabi ni Dominic sa kanyang staff na si Chinky. Nakatutok siya computer at nakatingin lang sa bar graph kung saan makikita ang pagtaas ng investments ng Hagedorn Holdings sa iba’t ibang kompanya. Mga kompanyang nagbibigay sa kanila ng malaking kita dahil sa iba’t ibang negosyo na pinatakbo ng Gold Eagle Corporation. “Sir Dom, nandito na si Miss Sarveda ang bago ninyong secretary,” mahinang sabi ni Chinky. Itinaas niya ang kanyang kamay. “You may go, Chinky.” Hindi siya nag-abalang tumingin dito dahil natutuwa siya sa malaking pera na pumapasok sa negosyo nila. Nang marinig niya na nagsara ang pinto ay nag-angat siya ng tingin sa babaeng nasa kanyang harapan. Nakakunot naman ang noo nito na nakatitig lamang sa kanya. Ang babaeng muntikang mabundol ni Waldo kanina. Is the same woman standing in front of him. Nasapo ni Dominic ang kanyang noo at napailing. “This is not a coincidence right?” Mabilis namang umiling ang babae na hindi malaman ang gagawin kung babatiin ba siya nito ng magandang umaga o magpapapansin sa kanya. Wala siyang pakialam sa ibang bagay maliban sa negosyo ng kanilang pamilya. Ang pangalan niya bilang isang Hagedorn at rangko na iniingatan niya sa angkan nila. “No, sir. This is… destiny,” sagot nito na nakatitig pa rin sa mukha niya. Alam ni Dominic na guwapong-guwapo ang dalaga sa kanya napansin na niya iyon kanina noong makita siya nito sa sasakyan. Blanko ang tingin niya sa babae. At hindi ang babaeng ito ang hinahanap niya para maging pekeng asawa. Hindi ang babaeng ito ang papasa sa standard niya. Hindi niya rin gusto ang amoy baby nitong pabango. “Hindi ako naniniwala sa destiny, Miss Sarveda. Alam mo na siguro ang trabaho mo rito. Hindi ko na kailangan pang i-discuss sa iyo.” Ibinalik niya ang tingin sa computer niya at itinaas ang magkabilang paa sa ibabaw ng kanyang lamesa. Inilagay din niya ang isang kamay sa kanyang sintido. “Sir…” “Leave!” “But sir, hindi ko pa alam kung ano ang---” Ibinalik ni Dominic ang tingin sa babae. “Tanungin mo na lang si Chinky. As you can see, I’m busy,” malamig na sabi niya. Masama niyang tinapunan ng tingin ang babae bago ibalik ang tingin sa computer. “Tsk! Napakaarogante talaga,” narinig niyang sabi ni Miss Sarveda bago siya nito talikuran. “Excuse me? Kung bubulong ka, Miss Sarveda. Siguraduhin mo na hindi ko naririnig. Hindi ka pa nga nagpapasalamat na sinagip ko ang oras mo ngayon. Dahil kung late ka hindi kita tatanggapin na magtrabaho sa akin. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa isang babae na katulad mo na walang punctuality. And please. Next time ayokong maamoy ang ginagamit mong pabango pakiramdam ko kasi pinapalibutan ako ng maraming baby. And also. Malaki ang offer sa iyo ng Hagedorn Holdings para maging secretary ko kaya sana ayusin mo ang trabaho mo at ibigay mo ang best mo dahil kung hindi mabilis akong humanap ng ipapalit sa iyo. Understood?" maawtoridad na tanong niya habang nakatitig sa babae na hindi na maipinta ang mukha habang nakatingin sa kanya. Nakita niya ang pagkuyom ng isang kamay ni Miss Sarveda. Ngunit pilit pa rin siya nitong nginitian pagkatapos niyang magsalita. “Nagpasalamat ako, sir. Napakabuti po ninyo. Pasensiya na rin po kung hindi ko natapos iyong pagpapasalamat ko kanina kasi pagkababa ko ng sasakyan umalis na kayo kaagad. In short. Mabilis lang talagang magpatakbo ang driver mo kaya siya ang sisihin mo, sir. I mean.” Nagyuko rin siya ng ulo. “I’m sorry, sir.” “Back to work!” sigaw niya rito. Mukhang walang takot sa katawan ang babaeng nasa kanyang harapan. At hindi siya ang babaeng kanyang hinahanap. Tumalima naman si Miss Sarveda at lumabas ng office niya. Kinuha niya ang folder ng dalaga sa drawer ng kanyang lamesa. Sa labing isang aplikante, si Miss Sarveda lang ang nakapasa kay Chinky. Ginawa ni Chinky ang lahat upang matulungan siya sa kanyang problema. Anak si Chinky ni Mister Salazar, ang counselor ng Gold Eagle kung saan siya nabibilang bilang isang Mafia Under Boss. Twenty three years old pa lamang si Jhel Sarveda, lumaki sa pangangalaga ng yumaong Lola Beth nito, ulilang lubos at nagtrabaho dati bilang assistant secretary ni Miggy Miranda sa Shoe Express. Si Miggy, kabilang sa associates o non-member Mafia ng Gold Eagle. Siya ang nagrekomenda kay Miss Sarveda sa kanya dahil nasa babae raw ang lahat ng katangian na hinahanap niya sa isang babae. Napailing si Dominic at isinandal ang kanyang likuran sa black leather chair na kanyang inuupuan. Muli niyang tinignan ang resume ni Miss Sarveda. Sa ibaba no'n may note na isinulat ni Chinky. No boyfriend since birth si Jhel. And still virgin. Ano naman kaya ang iniisip ni Chinky tungkol doon? Nagpapahanap siya rito ng magiging pekeng asawa at hindi isang bedm@te. Wala siyang interest sa pakikipagrelasyon mula pa noon. Hindi rin naman siya tig@ng sa s*x dahil kusa siyang nilalapitan ng mga babae sa Gold Eagle Mansion. Isinara ni Dominic ang folder at inihagis iyon sa may kahon na nasa kanyang likuran. Kinuha niya ang telephone at tinawagan si Chinky. Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa harapan na niya ang babae. Ini-lock ni Chinky ang pinto bago siya nito lapitan. Five years na silang magkaibigan at girlfriend siya ng pinsan niyang si Timmy. “Sir Dom.” Umupo siya sa kaharap niyang silya. “I need a new secretary, Chinky. Ayoko sa babaeng iyon na mas matapang pa sa akin.” Tinawanan siya ni Chinky at bihira lamang nito iyong gawin. Mukhang natutuwa pa ang babaeng ito sa kanyang reaksiyon. “Dom, wala na akong nakikita na ibang babae na may sense of humor kausap na katulad ni Miss Sarveda. Karamihan sa mga na-interview ko sobrang talino pero walang sense kausap. Unlike, Miss Sarveda, straight to the point. And she needs money. Marami siyang mga pangarap hindi lang sa kanyang sarili kun’di sa kanyang pinsan. She is lovely and sweet, Dom. Kilalanin mo muna siyang mabuti. And I know. Magugustuhan mo rin si Miss Sarveda,” buong kumpiyansang sabi ni Chinky na talagang botong-boto kay Jhel. “Just do what I’ve said, Chinky. Maghanap ka ng ibang babae!” naiinis na sabi niya rito. Inikutan siya nito ng mga mata. “Okay, fine. You’re the boss. I’m sorry, Dom.” Hindi siya umimik. Nagsasawa na rin siya sa paulit-ulit na paghingi ng tawad ng mga tao sa harapan niya. Umalis si Chinky at nagtungo siya sa office ni Jhel. Nag-usap ang dalawa at kitang-kita niya iyon dahil glass partition ang pagitan ng office nila ni Jhel. Maliban kung naroon siya sa office ng dalaga dahil hindi naman siya nito nakikita dahil tinted ang salamin sa labas pero siya nakikita niya ang ginagawa ng dalaga roon. Nakapusod ang buhok nito gamit ang lapis na itinusok nito. At wala na ring itong suot na black blazer, magulo ang lamesa ng dalaga dahil na rin siguro hindi nito malaman kung ano ang unang gagawin. Nakatingin lamang siya sa dalawa na nag-uusap at mukhang close friends na. Habang nakatingin siya sa dalawa ay nag-ring naman ang cellphone niya. “Dominic, darating na si Eliza next month. Excited ka na ba na makita ang kapatid kong baliw na baliw sa iyo?” tanong ni Elias sa kabilang linya. Sa tono ng pananalita nito ipinipilit pa rin nito sa kanya na kailangang na niyang pakasalan ang kapatid nito para lalong lumakas ang angkan ng mga Hagedorn. “Elias, tungkol sa bagay na iyan. Hindi mo ako kailangang pangunahan dahil si Pinuno pa rin ang masusunod. At alam niya na kapag tungkol sa pag-ibig ang usapan ay ako pa rin ang masusunod.” Malakas na tumawa si Elias sa kabilang linya. “Masiyado ka talagang seryoso, at hindi ka mabiro. See you later, Dom.” Tinapos na rin nito ang kanilang pag-uusap. Hindi niya kaibigan si Elias, at hindi rin niya ito kakampi. Kun’di isang kakumpitensya na mahirap mapatumba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD