Nagising sa kalagitnaan ng gabi si Nicolas nang marinig niyang umuungol si Kan. Mabilis siyang bumaba sa sofa at pinuntahan ito sa kama sa pag-aalalang binabangungot ito. "Kan, my sunshine... wake up..." Marahan niyang niyugyog ang balikat nito nang makatayo siya sa gilid ng kama. Mukhang hindi naman ito binabangungot pero parang nanaginip. "Wake up, sunshine..." gising uli rito ni Nicolas. Mukhang masarap naman ang panaginip ng kaniyang asawa dahil nakangiti pa ito. Gayon pa man ay hindi niya ito maaaring pabayaan na ganoon. Ang sabi kasi noon ng ina niya, posibleng mauwi pa rin iyon sa masamang panaginip. Lalo na kapag nagsalita na ito habang tulog. Hindi niya sigurado kung may scientific basis ba iyon. Pero 'ika nga, walang masama kung paminsan-minsan ay makinig sa kasabihan ng matat