Halos mag-uumaga na nang matapos ang pagsasalo sa restaurant ni Auntie Vilma. Ayaw kasing umuwi ng mga kasamahan nila hangga't hindi nauubos ang mga alaj na inihanda ng kaniyang tiyahin. Mabuti na lang at malakas ang tolerance sa alak ni Nicolas kaya hindi ganoon kalakas ang tama nito. Hindi siya gaanong pinainom ni Nicolas kaya matino pa ang pag-iisip ni Kan. Pero si Reese ay sadyang mabilis daw talaga itong malasing kaya paekis-ekis na ang lakad nito. "Iuuwi na muna kita sa bahay, baby Reese," biro dito ni Ogie na lasing na rin habang palabas na sila ng restaurant. Nauna nang umalis ang mga kasamahan nila at silang lima na lang ang natira. "Gusto mo bang ibitin kita ng patiwarik?" nabubulol na sagot ni Reese kay Ogie. Inaalalayan ito ni Nicolas dahil parang matutumba na. "Ito naman