"Can I touch you? I can't believe that you are real. How did I ever find you? You are the dream that saved my life. You are the reason I survived. Baby..." Ikinisap ni Nicolas ang kaniyang mga mata nang maramdaman niya ang bahagyang pamamasa niyon habang pinapakinggan ang kantang Never Thought (That I Could Love) ni Dan Hill na kasalukuyang kinakanta ng isa sa pinakasikat na Hollywood singer sa buong mundo. Ang best friend niyang si Reese ang kumontak dito para kunin na singer sa araw ng kasal nila ni Kan sa isa sa oldest church sa Finland. Ang kaniyang Lola Ichika naman ang nagpaasikaso niyon, pati na rin sa pag-oorganize ng kasal mula sa entourage, reception at kung ano-ano pa. Samantalang ang kaniyang mga magulang naman ang nag-ayos ng mga susuotin mula sa bride, sa groom, at sa lahat

