TAPOS na silang makakuha ng marriage license sa Clark County na parang wala lang nangyari. "Gano'n lang pala kabilis kumuha ng marriage license?" amused na tanong ni Kan kay Nicolas habang naglalakad na sila palabas. "Oo. Basta kumpleto sa requirements." Napatango-tango ang dalaga. "Oh, I see." Pero sa totoo lang ay kabado pa rin siya. "Paano kung magpaimbestiga ang family ni Honoka? At malaman nila na nagpapanggap lang tayo? Ang sabi mo nga, police general ang Daddy niya. Meaning, mapanghinala at malakas ang pakiramdam." Napatigil sa paglalakad si Nicolas at humarap sa kaniya. "Hindi naman pretend wedding ang nangyari, ah. Totoong ikinasal tayo. Kaya kahit magpaimbestiga pa sila ay wala rin naman silang mapapala." "Sabagay." She sighed. "Kinakabahan lang ako kasi baka ipakulong tayo