KINABUKASAN ay umalis din ang mga kaibigan ni Nicolas. Hindi na rin nakarating ang sinasabi nitong triplets na mga Monreal dahil may mahahalagang inasikaso raw. Kaya naisipan nilang mag-asawa na umpisahan na agad ang paghahanda para sa plano nilang pagharap kay Honoka at sa family nito. Ngunit bago iyon ay nag-set up muna sila ng mga proof sa bahay nito na talagang mag-asawa na sila. Pormal na pinakilala siya uli nito sa tatlong kasambahay na kapwa rin nila mga Pinoy. Nagsabit din sila ng malaking wedding picture frame sa sala na ipinagawa ni Nicolas mula sa mga kuhang larawan ni Ogie. At iyong ibang mga picture na kuha noong kasal nila ay ikinalat nila sa buong bahay. Nagkasundo rin silang dalawa na iwasan na ang pag-aaway at mag-practice na maging sweet sa isa't isa hangga't kaya nil