"Ano ang sabi mo? Pakiulit nga?" nangingiti na tanong sa kaniya ni Nicolas. Tumingin siya rito na medyo nahihiya. "Ang sabi ko—" Biglang naputol ang pagsasalita ni Kan nang bigla na lang may umalingawngaw na putok ng baril. At nang tingnan niya ang braso ng asawa ay nakita niya na duguan iyon. "N-Nicolas!" nahihintakutan na sigaw ni Kan. Ngunit bago pa man siya makadalawang tawag sa pangalan nito ay isang putok ng baril pa uli ang narinig nila. Pero sa pagkakataong iyon ay tumama na iyon sa isang sasakyan at hindi na kay Nicolas o sa kaniya. Mabilis kasi siya nitong naitulak padapa at saka dumapa rin ito sa likod niya para i-cover siya. "M-my gosh, Nicolas! Saan nanggagaling ang mga putok na iyon? Bakit may bumabaril sa'tin?" nanginginig ang boses na tanong ni Kan. Nag-aalala na ling