"Mas maganda raw dito manood ng fireworks kapag gabi," wika ni Kan kay Nicolas habang naglalakad sila sa Mickey Avenue na nasa Shanghai Disneyland. Ipinasyal nila roon si Baby Nicole, kasama ang kaniyang mga magulang. "Have you been here before?" tanong sa kaniya ni Nicolas habang kalong nito ang kanilang anak. Sina Nanay Elenita at Tatay Intsik naman ay nasa likuran lang nila at kumukuha ng mga litrato. "Dito sa Shanghai? Yeah, twice." Tumango si Kan. "Pero sobrang bata pa lang ako noon. Wala pang Disneyland dito nang time na iyon. Two thousand sixteen yata kasi ito itinayo sa pagkakaalam ko. Baby pa nga ako nong unang pasyal namin dito sa Shanghai, eh. Pumupunta kami rito nina Nanay at Tatay sa tuwing dinadalaw namin sina Ang-Kong at Ah-Ma. Lolo at Lola ni Tatay. Pati na rin ang mga k