Mula sa sinasakyang helicopter ay tanaw na tanaw ni Jared ang kaguluhan sa isang mamahaling village. May ilang bahay at sasakyan na ang nasusunog dahil sa mga pagsabog. May mga bumbero, ambulance at rescue team na ang hindi magkandaugaga sa pagligtas sa mga tao, lalo na sa mga sugatan. Takbo dito at takbo roon ang mga tao para iligtas ang mga sarili at maghanap ng safe na lugar. May mga awtoridad na rin ang nakapalibot sa lugar pero nahihirapang pumasok dahil may mga truck ang nakaharang sa bawat kanto na may sakay ng mga armadong tao at malalakas na baril gaya ng machine gun. "Hayop talaga ang Shing Chen Liu na 'to! Hindi mamamatay-matay!" galit na wika ni Jared sa sarili at ang tinutukoy ay ang isa sa pinakamalaking triad sa buong mundo na Chinese ang founder. Nagkalat ang mga galamay n

