NARIRINIG ni Ricky ang pagtalbog ng bola mula sa basketball court na malapit sa kanila nang isang beses na papasok siya papunta sa school. Nakikita niya ang masasayang labi ng mga pawisang naglalaro roon. Dati-rati'y wala lang ito sa kanya at nilalampasan lang niya ito. "Wala akong pakialam sa sports na iyan. Hindi ko gustong magpakapagod sa basketball." Pero dahil kay Mika... Sino nga ba si Mika? Napangiti si Ricky nang maalala ang huli nilang pagsasama ng dalaga. Nangyari iyon bago ang semis ng CBL. Nasa bahay siya noon ni Mika. Niyaya siya ng dalaga na doon muna tumigil. Iyon ay matapos niya itong ihatid. Malakas ang ulan noon at si Ricky ay nag-aalangan pang umuwi dahil kumukulog at kumikidlat. "Magkape ka muna," sabi ni Mika na may dala ng kape mula sa kusina. May kalakihan din

