"Uggghhh, sobrang na-miss na kita mahal ko. Miss na miss ko na ang init ng halik mo," di napigilang wika ni Carlota sa asawa. Siya na mismo ang naghubad ng t-shirt ng asawa at umibabaw siya dito. Nakahiga na kasi sila sa kanilang kama. Pakiramdam niya ay sobrang sabik na sabik siya sa kanyang asawa, nais niyang maangkin siya nito. Parang nilalagnat na siya ng mga sandaling iyon, iba na kasi ang temperatura niya animo napakataas ng lagnat niya. Hindi normal ang pag-iinit ng kanyang katawan kaya nais niyang mairaos iyon. Hindi niya maintindihan kung talaga bang matindi lamang ang pananabik niya sa kanyang asawa o kung ano. Basta sobrang wild niya, hindi naman siya ganito. Kapag hinihingi lamang ni Solomon na upuan ito saka lamang niya ginagawa, hindi iyong ganito na siya mismo ang nagkusa