Matapos magbihis, nagtungo siya sa kusina at tiningnan kung nailuto na ng kanilang mayordoma ang kare-kare. Pagdating niya doon ay naka ready na pala, nakalagay na sa isang lagayan. Nasa opisina pa lang kasi siya kanina, tumawag na siya sa kanilang mayordoma, mabuti na lamang at kasama pala sa menu para sa hapunan ang putaheng iyon kaya naman mabilis lamang nitong nailuto. Pagdating niya sa bahay ng mga magulang ni Carlota, kinabahan pa siya dahil baka hindi siya pansinin ng mga ito pero ang mismong nanay ni Carlota ang nagpapasok sa kanya. Inay at Itay pa rin ang tawag niya sa mga ito kahit na sinasabi ng mga itong hindi na dapat ganon ang itawag niya dahil hiwalay na sila ni Carlota. Hinanap niya si Katrina pero ang sabi ay nasa bayan ito at may binibili. Nakita niya naka-park iyong