"Hindi ko na uulitin ang sinabi ko Gabriel, naitiyak ko naman na narinig mo ng malinaw ang sinabi ko. Ngayon ang nais kong malaman, pumapayag ka ba a kondisyon ko oh hindi? Kung hindi mo nais, wala akong magagawa pero gaya ng ipinangako mo wala dapat makaalam nito. Tayong dalawa lamang, alam mo na confidential ang bagay na ito kaya sana naman mapanghawakan ko ang isang salita mo," tiim ang bagang na pahayag niya dito. Hindi agad ito nakahuma sa sinabi niya, tila hindi ito makapaniwala sa narinig. Napansin pa niya ng ilang beses nitong kurutin ang sariling braso marahil iniisip nito na nananaginip lamang ito. "P-Pero Senyorito, k-kayo po ang asawa ni Carlota bakit ninyo siya nais i...ipa... i...," di nito maituloy ang nais sabihin. Napabuntunghininga siya at pabagsak na isinandal ang