Narinig ni Carlota na bumukas ang pinto ng shop, tiyak niya na si Aileen na iyon. Humanda talaga ang babae na ito sa kanya. Napabuntunghininga pa siya bago tumayo sa kama, may maliit kasing silid doon na ginawa talaga niyang pahingahan para kung antukin siya o si Aileen ay may papahingahan sila. Nagagamit din niya iyon kapag nasa shop ang kanyang baby, mas nais na kasi nito matulog sa kama dahil natatabihan niya kaysa sa crib. "Anong ibigsabihin nito Ail—, Solomon?! A-Anong ginagawa mo dito?!" akala niya si Aileen ang pumasok iyon pala si Solomon, humanda talaga ang babaeng iyan sa kanya. HIndi pa nasiyahan na pinapunta dito sa lugar nila si Solomon, talaga ibinigay pa ang susi ng kanilang shop para makapasok dito. Humanda talaga ang babaeng iyan, namumuro na ei. Paladesisyon ang pasaw