GABE AS agreed, Matt and I went to see an OB this Monday. I wore a black top and white capris. I chose a two-inch nude pumps to go with it. Hindi naman ito kataasan pero noong hindi pa ako buntis, laging four inches ang takong ng sapatos ko kapag lumalabas. Nang makaharap namin si Dra. Ramirez ay nakumpirma namin ang pagbubuntis ko. Sinabi ko sa kanya ang resulta ng PT ko noong Sabado. I'm six weeks pregnant at para makasigurado ay nagpa-ultrasound din ako. Masayang-masaya si Matt sa balita. Kahit naman ako ay masayang-masaya rin. Hindi ko pa rin alam kung ano ang mangyayari pagkatapos ng araw na ito. Wala kaming napag-usapan ni Matt tungkol sa pagsasama namin. Wala rin naman kaming kasalan na nababanggit. Ang madalas lang namin sabihin ay kung gaano namin kamahal ang isa’t

