GABE Matt is a very hands on father. Ganito rin sya noon kay Nikki at ngayon kay Dom. Siya ang bumabangon sa gabi para kumuha sa anak namin at magpalit ng diaper. Siya rin nagigising para iaabot sa akin ang baby namin para makapag-breastfeed ako. Siya ang nagluluto ng pagkain namin and he makes sure na nakakatulog ako nang maayos. Pambawi raw niya ‘yon sa akin sa hirap ng pagbubuntis at panganganak ko. Siyam na buwan daw akong nagdala, kaya ngayong lumabas na ang mga anak namin, siya naman daw ang magsisilbi sa amin. Naalala ko noong humilab ang tiyan ko at manganganak ako kay Nikki. He tried to look so calm that he looked constipated. Bawat ngiwi ko ay ganoon din siya. It was as if he felt my pain. I remembered him saying na kung pwede lang niyang kunin lahat ng sakit sa akin para hind

