"Babies?" nagtataka kong tanong. Wala kaming lahing kambal. "You don't think you'll only have one kid, right?" nanunukso ang mga ngiti ni Yanna sa akin. "Heh! Ang aga-aga, huwag kang mahalay." Namumula naman ako at naalala ko ang make up s*x namin ni Matt. Napahagikhik siya at kumindat sa akin. "O siya! Hindi na. I'm just going to change and go for a run. Dito lang ako sa neighborhood. I promise, hindi ako lalayo. I might hit some coffee shops on the way. Save some sinangag for me. Dito ako magla-lunch. Nasa akin naman ang spare keys, so kung aalis kayo ni Matt, I can get in. Or...." "Or what?" Busy ako sa paggagayat ng sibuyas. "Or if you guys are planning to do something triple x ,make sure you do it in the bedroom and lock the door," nakangisi niyang sabi. "Loka-loka ka talaga!" B

