Sumungaw ang nanay at tatay ko sa pinto. Umuwi kasi ang tatay ko kahapon mula sa barko. "Ang ganda-ganda mo, anak. Kamukha mo ang nanay mo." sabi ni Tatay "Salamat, ‘Tay." Niyakap nila ako. Pumatak ang luha ko at pinahid naman iyon ni nanay. "Bawal umiyak ngayon anak, masisira ang make up natin." nagbibiro niyang sabi. "Mahal na mahal ka namin, anak. Alagaan mo ang sarili mo. Pati na rin ang asawa at magiging anak mo. Maging mabuti kang asawa at sana ay huwag kang gumawa ng magiging dahilan para masaktan ka ng iyong asawa. Unawain ninyo ang isa't-isa at magpalipas ng sama ng loob pero huwag papakatagalin. Pangibabawin n’yo lagi ang pagmamahalan n’yo," madamdaming sabi ni Tatay sa akin. May kumatok sa pinto at sumungaw ang ulo ni Yanna. "Sorry to bother you po, but the wedd

