Narinig ni Prinsipe ang pagkakagulo sa silid ng nakatakdang maging Reyna na si Peri at agad siyang nag-alala ng marinig niyang tila si Alena ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Si Peri na noo'y halata sa boses ang pag-aalala sa pinsan ay napapahiyaw na kaya naman agad siyang nagtungo sa silid nito. Hindi rin naman siya matatahimik kapag di niya malaman ang nangyarei kay Alena at ng makita niya na tulala nanaman ito alam na agad niya ang dapat niyang gawin para bumalik ito sa huwisyo. Hindi manlang niya naisip na nasa harap nga pala sila ng karamihan, hindi manlang niya naalala na malakas na sampal kaagad ang pinapalasap nito sa kanya sa tuwing bumabalik na ito sa katinuan at ito na nga, dahil sa pagkakamali niya ay nakagawa ng hindi dapat ang isang matapat na tagapaglingkod ng palasyo. Mara